 Nais kong ipamahagi ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa aking buhay, ang pagkakaroon ng isang magiting na INA. Noong una 'di ko maintindihan, maraming katanungang bumabalot sa aking munting kaisipan. Bakit kailangan niyang umalis palagi? Bakit kailangan siya ang magtrabaho para sa pamilya? Bakit kailangang wala siya kapag kailangan ko siya? Opo, aking ina ang aking tinutukoy. Pito kaming magkakapatid, panganay ako, ang ina ko ay isang kabit (mistress sa ingles sa mga di nakakaalam), pero pinagmamalaki ko siya, para sa akin at sa aming magkakapatid "She is the best mom in the whole world pati na nga sa buong universe!". Single parent ang aking ina. Ina ko si "Ms. Josephine "Olive" Parilla", salamat sa iyo sa pagtataguyod sa aming magkakapatatid, sa aming mga pangarap na unit-unting natupad ng dahil sa iyong pamamatnugot. Nakakatuwang isipin, isang ina pero binibini ang tawag. Kaming lahat ay itinaguyod niya sa kanyang pawis at dugo, ako at ang aking mga kapatid ay nakapagtapos sa ilang pribadong paaralan at may matagumpay na hanapbuhay at kalagayan sa ngayon. Muli salamat sa iyo aking INA. Si Olive, "groovy mommy" kung tawagin, isang business woman at isang volunteer worker sa isang non-government organization. Minsan makikita mo ang kulay ng kanyang buhok ay pula, lila, ginto at iba pa, naka-highheels, office attire at what??? May bitbit na isang sako sa kanyang ulunan na may laman ng kung ano-anong paninda. Yan ang nanay ko! Sa kanyang munting pamamaraan, 150 pamilya sa Angono, Rizal ay nabigyan ng lupa upang tirikan ng kanilang munting tahanan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan niya sa ilang mga ahensiya, maraming natulungan sa pagbibigay ng libreng livelihood seminars, at pagbibigay ng trabaho sa ilang mga kababaihan at kabataan sa ilang komunidad. Ilan lamang ito sa mga kabutihan ng aking ina... kaya ipinagmamalaki ko na ang aking ina ay isang MAGITING NA FILIPINA.At sa ilang mga katulad niyang ina... isang maalab na MABUHAY SA MGA MAGIGITING NA INANG FILIPINA!  | Mabuhay si Ka Olive! Congrats Lucette for this article! :) |
 | MABUHAY ANG MGA MAGIGITING NA INA! buti pa po mom mo ehh, ako mami ko di ko kasama. :( pero contented na ako .. GOOD WORK FOR THIS ARTICLE :)) |
| |
|